What's Up

http://filcaspro.com/storage/whats-on/October2018/pZgl211cJkswEuAe6RTP.jpg

Popoy Cusi, dakila, mahal ng kapwa mga pintor, at pang-National Artist!

Ilang beses na naming nasaksihan kung gaano kamahal ng kanyang kapwa mga pintor si Master Rafael “Popoy” Cusi. Ilang okasyon na rin iyon, lalo na sa mga painting exhibit sa M GALLERY, kung saan, sa tuwing bisita doon sa nasabing gallery ay sinasaluduhan siya, inaakap, tinatabihan at pinagkakaguluhan ng kanyang mga tagahanga bilang "Master" nila.

Master Popoy at M GALLERY with Mrs. Jeanne Monteverde (middle, in white shirt) and other professional painters

Tulad na lang nu'ng nagdaang Christmas Party sa M GALLERY at sa birthday bash late last year ni Mrs. Jeanne Monteverde na siyang may-ari ng M GALLERY, talagang nakita namin kung gaano ka-importante sa kanila si Master Popoy. Laging ina-announce sa microphone ni Mrs. Monteverde at ina-acknowledge ang presence ni Master Popoy.

Master Popoy with professional painters

At kapag inuman session na, isa-isang tatabi kay Master Popoy ang kapwa niya mga pintor,  'yung iba mga ka-edad na niya at ka-contemporary, ngunit ang karamihan ay  aspiring new painters. Lahat sila ay magpapakuha ng "selfie" photos kay Master Popoy.

Blogger Robert and Master Popoy

Sa mga hindi pa nakakaalam, Master Rafael 'Popoy' Cusi was named as the Master Watercolor Painter in the Philippines, pero bukod diyan, internationally-renowned din siya all over the world. Labis siyang hinangaan sa Germany at iba pang mga bansa sa Europe. Hindi lang naman watercolor ang forte niya. World-acclaimed din siya sa oil paintings at nude sketches.

Young Popoy Cusi

Recently lang, nag-publish ng bagong series of oil paintings si Master Popoy na pawang "Still Life" paintings. Na-post iyon sa Facebook page ni Mr. Ivan Irinco at lalong dumami ang kanyang mga tagahanga.

 

Kuya Popoy (as we fondly call him) inspires so many people. Kapag kakuwentuhan mo siya, napakaraming “words of wisdom” ang matutunan mo sa kanya at magagabayan ka ng mga salita niyang iyon sa buhay. Napaka-logical person niya. Para siyang isang ancient philosopher dahil sa angkin niyang mga kaalaman at kalaliman ng buhay. A true-blooded artist, ‘ika nga.

Popoy Cusi and his La Naval painting

Isang tunay na kaibigan, isang imortal na pintor, isang dakilang artist, isang mapagmalasakit na guro para sa kabataang nais matuto sa pagpipinta. Ano pa nga ba ang kulang? Wala na. Halos perpekto na.

Popoy Cusi and his latest painting

At hihintayin na lamang natin ang pangalang Rafael “Popoy” Cusi bilang National Artist. Hindi malayong mangyari 'yun, di ba? 

 

Share this article